Barangay Officials ng Barangay Doclong 1st San Clemente, nakilahok sa Talakayan

Aktibong nakilahok ang mga Barangay Officials at ilang mga residente ng Barangay Doclong sa isinagawang dialogue at talakayan ng mga tauhan ng San Clemente Municipal Police Station sa Barangay Doclong, 1st San Clemente, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-14 ng Hunyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Arnel A Cera, Chief of Police ng San Clemente Municipal Police Station.

Nagbigay kaalaman ang pulisya patungkol sa Republic Act 9262, RA 9208, RA 9745 at Women’s Rights are Human rights/Human Rights Advisory.

Layunin ng aktibidad na madagdagan ang kamalayan ng mga mamamayan patungkol sa kanilang mga karapatan at pagtugon sa mga programa ng pamahaalan na naglalayong mapaigting ang seguridad ng bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *