35 Estudyante, nakiisa sa pulong-pulong kontra ilegal na droga
Aktibong nakilahok ang 35 estudyante sa isinagawang pulong-pulong kontra ilegal na droga ng mga tauhan ng Calamba Municipal Police Station sa Barangay Dapacan, Northern Poblacion, Misamis Occidental nito lamang Hunyo 22, 2024.
Pinangunahan ito ni Police Corporal Jervy Jul Genon, Municipal Community Affairs and Development Unit ng Calamba MPS.
Ilan sa tinalakay ang masamang dulot ng ilegal na droga sa katawan maging sa pamilya ng gagamit nito.
Binigyang diin din ang mga kaparusahan kung ikaw ay gagamit at magbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Bahagi ito ng Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) ng pamahalaan na mailayo ang mga kabataan sa banta ng ilegal na droga sa kanilang mamamayang nasasakupan.