BPATs, nakiisa sa isinagawang Symposium

Nakiisa ang Barangay Peacekeeping Action Teams sa isinagawang Symposium ng mga tauhan ng Bamban Municipal Police Station sa Barangay San Nicolas, Bamban, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika-3 ng Hulyo 2024.

Matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Jessie James Domingo, Acting Chief of Police ng Bamban MPS.

Ibinahagi ng Bamban MPS sa mga miyembro ng BPATs ang mga katarungang pambarangay at mga kaalaman patungkol sa mga crime prevention.

Layunin ng aktibidad na mapalakas at linangin ang kakayahan ng mga miyembro ng BPATs na kumilos bilang Force Multipliers o katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *