Barangay-Based Advocacy Group, nakilahok sa talakayan sa Isabela

Aktibong nakilahok ang Barangay-Based Advocacy Group kasama ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang talakayan sa Barangay Sto. Tomas, Alicia, Isabela noong ika-15 ng Hulyo 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PCpt Perla S Pagulayan, C, CAS/FJGAD ng Isabela PPO.

Tinalakay nito ang tungkol sa mga Lalaking Tutol sa Karahasan Laban sa Kababaihan upang maiwasan ang pananakit at itaguyod ang karapatan ng mga kababaihan.

Ang grupo ay patuloy na makikiisa sa Pambansang Pulisya sa pagsasagawa ng mga hakbangin patungkol sa pagtataguyod, pagkilala at pagpapahalaga sa karapatan ng mga kababaihan tungo sa isang maayos na lipunan.

Source: PCADU, Isabela PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *