Community Outreach Program, handog ng Advocacy Support Group

Naghandog ng Community Outreach Program ang mga miyembro ng Advocacy Support Group na ginanap sa Barangay Banaba, Padre Garcia, Batangas nito lamang ika-20 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ng Global Concrete Corporation sa pakikipagtulungan kay Hon. Nonanto B. Gonzalez, ABAC President ang matagumpay na pagsasagawa ng Community Outreach kaugnay sa paggunita ng 29th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ligtas Ka sa Bagong Pilipinas”, katuwang ang mga kapulisan ng Padre Garcia sa pamumuno ni Police Major Raymon T Dayagan.

Dinaluhan ito ng mga napiling kababaihan ng naturang barangay na aabot sa higit kumulang 50 na participante.

Nakatanggap ng grocery item ang mga kalahok at binigyan ng kaalaman ng mga kapulisan patungkol sa VAWC, Rape law at Anti-Bastos Law na makakatulong sa karapatan ng mga kababaihan.

Tuloy-tuloy ang pagbigay ng serbisyo ng iba’t ibang ahensya lalo na sa mga taong lubos na nangangailangan sa ating komunidad.

Ang mga ahensya ng gobyerno ay lagi rin handang umalalay at tumulong sa ganitong aktibidad lalo na para sa ikakabuti ng ating pamayanan para sa maayos at mas ligtas na Bagong Pilipinas.

Source: Padre Garcia MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *