BPATs Training at Anti-Drug Awareness Drive, isinagawa sa San Fernando City, La Union

0
viber_image_2026-09-11_10-00-07-555

Pinalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) mula sa pitong barangay sa isinagawang BPATs Training and Anti-Drug Awareness Drive sa Pao Norte, San Fernando City, La Union, noong Setyembre 8, 2026, bilang bahagi ng paggunita sa National Peace Consciousness Month.

Dumalo sa aktibidad ang mga barangay tanod mula sa Masicong, Sacyud, Pao Norte, Pao Sur, Pacpaco, Nagyubuyuban, at Bangbangolan. Sa pamamagitan ng pagsasanay, nabigyan sila ng dagdag na kaalaman at praktikal na gabay hinggil sa kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, gayundin sa pag-iwas sa ilegal na droga sa kanilang mga komunidad.

Pinangunahan ni PMaj Vivina E. Tanacio, Assistant Unit Chief, Provincial Community Affairs and Development Unit, La Union Police Provincial Office, kasama ang mga tauhan ng San Fernando City Police Station at 1st Provincial Mobile Force Company, ang pagsasanay at pagbabahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa drug prevention at iba pang paraan upang makatulong ang BPATs sa pagpapanatili ng ligtas na pamayanan.

Layunin ng aktibidad na higit pang palakasin ang ugnayan at pagtutulungan ng PNP at mga BPATs bilang katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa mga komunidad. Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay, information drive, at community engagement, isinusulong ng PNP ang isang mas ligtas at drug-free na pamayanan tungo sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: La Union PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *