Katutubong Agta, benepisyaryo ng Community Outreach Program sa Cagayan

Naging benepisyaryo sa isinagawang Community Outreach Program ang mga katutubong Agta sa Sitio Bagsang Barangay Sta. Clara, Gonzaga, Cagayan noong Hulyo 29, 2024.

Nakiisa sa aktibidad ang mga miyembro ng Barangay Based Advocacy Group at Sangguniang Kabataan sa inisyatiba ng Gonzaga Police Station na pinamumunuan ni Police Major Arnel Acain.

Maituturing na ang nasabing Sitio ay isang remote area at hindi alintana ng grupo ang matarik na daan paakyat ng bundok maihatid lamang ang mga serbisyo para sa mga katutubong Agta.

Nagkaroon ng feeding program at masayang tinaggap ng mga benepisyaryo ang mga school supplies, bigas, damit at relief packs.

Labis naman ang pasasalamat ng mga katutubong agta sa hatid na sorpresa ng grupo, anila malaking bagay ang kanilang natanggap at malaking tulong ito sa kanilang pamumuhay.

Tunay na sa anumang oras at panahon nakahanda ang PNP katuwang ang Advocacy Support Groups sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan at ipaabot ang suporta at malasakit ng ating gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *