Advocacy Support Group, nakilahok sa Fun Run Activity

Nakilahok ang mga Advocacy Support Group sa isinagawang 5km Fun Run Activity sa San Carlos, Negros Occidental nitong ika-31 ng Hulyo 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng San Carlos Component City Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Nazer P Canja, hepe, sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng San Carlos City. Dumalo ang humigit kumulang sa 342 na runners mula sa iba’t ibang grupo kabilang na ang PNP, BJMP, BFP, pamahalaang lokal ng San Carlos City, at iba pang running enthusiasts.

Patuloy ang grupo sa pakikilahok sa mga ganitong aktibidad upang ipakita ang suporta sa mga programa ng PNP na may adhikain na matulungan ang mamamayan na pangalagaan ang kanilang kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *