Drug Awareness Activity, isinagawa sa Bambang, Nueva Vizcaya
![](https://lingkodbayanblog.com/wp-content/uploads/2024/09/457321168_1580333839564998_1693298639520242032_n-1024x768.jpg)
Nagsagawa ang mga tauhan ng 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company ng talakayan ukol sa Drug Awareness at Anti-Terrorism sa mga estudyante ng Kings College of the Philippines (Bambang Campus) noong ika-7 ng Setyembre 2024 Tinalakay sa mga kabataan ang mga mahahalagang punto tungkol sa Buhay ay Ingatan Droga ay Ayawan (BIDA), Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), RA 9165/Drug Awareness at Anti-Terrorism.
![](https://lingkodbayanblog.com/wp-content/uploads/2024/09/455142335_1026885865510700_3702424078174214688_n-1024x768.jpg)
![](https://lingkodbayanblog.com/wp-content/uploads/2024/09/457684747_1481685845844600_2467294295189930347_n-1024x768.jpg)
Hinikayat din ang mga kabataan na laging mag-ingat at ugaliing maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang tao sa paligid upang makaiwas sa ano mang karahasan tungo sa maayos at ligtas pamayanan.