Mag-aaral ng Tanauan City, nakibahagi sa Symposium

Nakibahagi ang mga mag-aaral ng Bernardo Lirio Memorial National High School sa isinagawang symposium na ginanap sa School Gymnasium, Barangay Darasa, Tanauan City, Batangas nito lamang Huwebes, ika-19 ng Septyembre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Tanauan Component City Police Station at nilahukan ng mga mag-aaral na nasa ika-8 at 9 na baitang ng naturang paaralan sa pamumuno ni Ms. Gladys R Biscocho, Phd, Principal III.

Tinalakay rito ang mga paksa patungkol sa Drug Awareness and Prevention na may temang “Choose To Refuse”.

Ang ganitong uri ng aktibidad ay naglalayong magbigay ng tamang kaalaman sa ating mga kabataan tungkol sa mga batas ng ating lipunan. Nagbibigay ito ng kamalayan sa napapanahong isyu at kung paano ito maiiwasan at maaksyunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *