Road Safety Seminar at Defensive Driving Course, isinagawa para sa mga Bus Driver at Konduktor ng RTMI sa Dipolog City

Isang matagumpay na One-Day Road Safety Seminar at Defensive Driving Course ang isinagawa sa mga driver at kundoktor ng Rural Transit Mindanao Inc. (RTMI) sa RTMI Dipolog, Sta. Felomena, Dipolog City noong Lunes ika-30 ng Setyembre 2024.

Ang naturang seminar ay isinagawa ng mga tauhan ng Provincial Highway Patrol Team – Zamboanga del Norte sa pangunguna ni Police MajorMervin S. Claret, Team Leader, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jonar R. Yupio, Officer-In-Charge ng Regional Highway Patrol Unit 9.

Ang naturang seminar ay ginanap sa RTMI Dipolog, Sta. Felomena, Dipolog City, at dinaluhan ng 25 bus driver at konduktor.

Layunin ng programa na itaas ang kamalayan ukol sa kaligtasan sa kalsada at ituro ang tamang pagmamaneho upang maiwasan ang mga aksidente at mapanatili ang kaligtasan ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *