Community Outreach Program naging bahagi sa pagdiriwang ng 54th Araw ng Gupitan

Bilang bahagi ng pagdiriwang nga 54th Araw ng Gupitan, isang Community Outreach Program ang inilunsad sa Barangay Gupitan, Kapalong, Davao del Norte nitong Setyembre 30, 2024.

Ang naturang outreach program ay naisakatuparan sa pagsisikap ng 1102nd Manuever Company ng Regional Mobile Force Battalion 11, 60IB Bravo Company Philippine Army at Kapalong LGU. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito ay nakapaghandog ng libreng tsinelas, palugaw, gupit, medical at dental services at legal services sa mga residente.
Ang programang ito ay tinipon ang mga boluntaryong may malasakit, na nakatuon sa pagtugon at pagbibigay ng komprehensibong suporta—mula sa mga serbisyong pangkomunidad, serbisyong legal, at serbisyong pangkalusugan upang lumikha ng isang nagkakaisang puwersa para sa positibong pagbabago.