22 Stakeholders, nakiisa sa Pamaskong Handog 2024

Alay sa Kabataan Year 8 Culmination Nakiisa ang 22 stakeholders sa Culmination Activity ng Pamaskong Handog 2024 Alay sa Kabataan Year 8 na pinangunahan ng Davao City Police Office, na ginanap noong ika-28 ng Disyembre 2024 sa Barangay Baganihan, Marilog District, Davao City.

Isa sa mga pangunahing bahagi ng programa ang pamamahagi ng school supplies, tsinelas, laruan, hygiene kits, at meryenda, na nagdulot ng saya sa halos 300 bata sa nasabing komunidad.

Nakatanggap rin ng grocery packs at pamaskong regalo ang mga residente na lumahok. Bukod dito, ang mga parlor games at bonding activities kasama ang pulis mascot ay nagbigay ng dagdag kasiyahan sa buong kaganapan.

Ang lahat ng ito ay naging posible dahil sa walang sawang suporta at malasakit nina Mr. Alfredo “Otik” Pologon, Chef Patrick Co, City Government of Davao, DASIA (Davao Security Investigation Agency Inc.), Apo ni Lola Durian Delicacies, Davao Hao Tian Toys, Davao Sta. Ana Factory, E & JJ American Surplus, Diamond Hardware, Lapanday Food Corporation, WV Davao Goldstar Hardware, KASILAK Foundation, Extreme Makeover Cars, SM City Davao, Cecelia Stock Farms Inc., Alsons Development And Investment Corporation, Lots For Less, SY GLOW, Department of Trade and Industry, Sam Surplus, GMALL of Davao, at Acacia Hotel. Ito ay patunay ng kahalagahan ng aktibong pagtutulungan ng pribadong sektor, lokal na pamahalaan, at mga pwersang pangseguridad upang makapagbigay ng mas marami pang tulong sa mga nangangailangan, lalo na sa mga lugar na kabilang sa GIDA (Geographically Isolated and Disadvantaged Areas) na mahirap maabot ng mga pampublikong serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *