BPATs at mga Tanod, sumailalim sa Refresher Training Course
BPATs at mga Tanod, sumailalim sa Refresher Training Course

Sumailalim sa 2-day Refresher Training Course ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at Barangay Tanods upang mapalawak ang kanilang kaalaman at mapalakas ang kanilang kakayahan sa pagseserbisyo sa ating mamamayan na ginanap sa Compostela, Cebu, noong ika-21-22 ng Pebrero 2025.
Ito ay pinangunahan ng Compostela Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Lino Tryss D Galvan III, Officer-In-Charge.
Sa loob ng dalawang araw, tinalakay ang mahahalagang paksa gaya ng operational procedures ng BPATs, kung saan binigyang-diin ang mga tamang pamamaraan sa pagtugon sa mga insidente at pagharap sa iba’t ibang sitwasyong pangseguridad.
Isa rin sa mga tampok na paksa ang paghahanda para sa 2025 National at Local Elections, kung saan sinanay ang mga kalahok sa tamang pagresponde upang mapanatili ang kapayapaan sa panahon ng halalan. Dagdag pa rito, nagkaroon ng Anti-Terrorism Awareness Training, na naglalayong palakasin ang kakayahan ng ating BPATs at Tanods sa pagtukoy at pag-iwas sa mga banta ng terorismo.
Layunin ng pagsasanay na ito na tiyakin ang mas maayos at mas episyenteng pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad.