Oplan DUGTONG 2025, matagumpay na isinagawa sa Arteche Eastern Samar

Matagumpay na isinagawa ng Rural Health Unit ng Arteche ang Blood Donation Activity na Oplan DUGTONG 2025 sa Arteche E-Complex, Barangay Central, Arteche, Eastern Samar nito lamang Abril 24, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Rural Health Unit katuwang ang Local Government Unit na nilahukan ng mga tauhan ng 801st Maneuver Company, RMFB 8 sa pamumuno ni Police Captain Mark Daniel l Maraquilla, Officer-In-Charge.

Ang Oplan DUGTONG (Dugo nga Ungara Ginhatag tungod han Onong Nga Gugma) na ibig sabihin ay mag-donate ng dugo at magligtas ng mga buhay at ilang minuto ng iyong oras, habang-buhay para sa ibang tao.

“Sa bawat tatlong segundo, may nangangailangan ng pagsasalin ng dugo. Ang isang maliit na tusok ng karayom at kaunting oras mo ay maaaring magbago sa iyo bilang isang superhero. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng dugo, makakapagligtas ka ng hanggang tatlong buhay ng tao”.

Bukas-palad na nag-donate ng dugo ang mga kalahok, na nagpapakita ng kanilang pangako sa pagliligtas ng mga buhay at pagsuporta sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *