Inter-Agency Coordination Meeting for NLE 2025, isinagawa sa Julita Leyte

Matagumpay na isinagawa ng Commission on Election at Local Government Unit ang Inter-Agency Coordination Meeting para sa National and Local Elections 2025 sa Office of the Municipal Mayor of Julita, Leyte nito lamang Mayo 7, 2025.

Ang pagpupulong ay pinangunahan nina Atty. Percival S. Caña, Municipal Mayor at Ms. Emma R. Marzol, COMELEC Officer katuwang ang Julita Municipal Police Station, AFP at mga Department Heads.

Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ay ang pagpapatupad ng mga proactive na hakbang sa seguridad, kabilang ang pinaigting na police at military visibility sa mga natukoy na election hotspots, deployment ng Quick Reaction Teams (QRTs), pagtatatag ng joint checkpoints, pagsubaybay sa mga threat group at armadong indibidwal at ang pagsasagawa ng intelligence-driven operations.

Tinugunan din ng mga kalahok ang pangangailangan para sa tuluy-tuloy na komunikasyon sa pagitan ng mga ahensya, real-time reporting at pakikipag-ugnayan sa komunidad upang maiwasan ang karahasan na may kaugnayan sa halalan at matiyak ang isang ligtas at maayos na proseso ng elektoral.

Ang pangunahing layunin ay palakasin ang inter-agency coordination at collaboration bilang paghahanda para sa paparating na National and Local Elections (NLE) 2025, na may diin sa pagtiyak ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa buong panahon ng halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *