Bloodletting Program, isinagawa sa Palawan
Matagumpay na isinagawa ang bloodletting program na may temang “Save a Life, Give Blood” na ginanap sa Barangay Maligaya, El Nido, Palawan nitong ika-22 ng Mayo 2025.
Naisakatuparan ang aktibidad na ito sa inisyatiba nang pinagsamang pagsisikap sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng El Nido at ng Philippine Red Cross – Palawan.
Aktibo ring nakilahok ang mga tauhan mula sa Palawan Tourist Police Assistance Center El Nido.
Layunin nitong itaguyod ang kahalagahan ng donasyon ng dugo, palakasin ang kalusugan ng komunidad at pagkakaisa ng bawat isa sa pamayanan.