Pantawid Pamilyang Pilipino Program Symposium, isinagawa sa Almeria Biliran

0
viber_image_2025-05-22_21-32-37-294

Matagumpay na isinagawa ang symposium sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Barangay Iyusan, Almeria, Biliran nito lamang Mayo 22, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Biliran Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Erwin I Portillo, Provincial Director na aktibong dinaluhan ng 4Ps beneficiary’s ng nasabing barangay.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong turuan at bigyang kapangyarihan ang mga kalahok sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa mga pangunahing paksa tulad ng Whole-of-Nation Approach to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC), Republic Act 8353 (The Anti-Rape Law of 1997), at Republic Act 9165 (Comprehensive  Dangerous Drugs Acts of 2002).

Binibigyang-diin ng symposium ang pangako ng gobyerno na palakasin ang ugnayan sa komunidad at pagyamanin ang kamalayan ng publiko sa pambansang alalahanin, na nag-aambag sa isang mas ligtas, mas may kaalaman, at matatag na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *