Miyembro ng BPATs sa Santiago City, sumailalim sa Training
Naging matagumpay ang isinagawang training ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) na may temang “Strengthening Capacities of Barangay Peace Keeping Action Teams” (BPATs) na ginanap sa Gymnasium Brgy. Malvar, Santiago City nito lng May 22, 2025


Nilahukan ito ng mga Barangay Tanod katuwang ang kapulisan ng Santiago City Police Office, Regional Police Community Affairs and Development Unit 2 at LGU Malvar sa pamumuno ni Punong Barangay Hon. Manuel G. Santiago II.
Bukod dito, nagsagawa din ng training para sa self-defense techniques, fire prevention strategies, disaster response, at first aid treatment.
Tinalakay din sa naturang aktibidad ang Spiritual Enhancement, the Roles and Responsibilities ng BPATs, Overview of Section 5, Rule 113 of the Rules of Criminal Procedure, Arrest Procedures and Techniques, and the Role of BPATs Before, During, and After Disasters.
Highlights naman sa aktibidad ang Tactical Arnis at handcuffing demo at bilang pagtatapos nagbigay nman ng mensahe ang kapulisan sa mahalagang papel ng BPATs sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Layon ng seminar na palakasin ang kakayahan ng mga miyembro ng BPATs sa kaligtasan ng komunidad, suporta sa pagpapatupad ng batas, at peacekeeping sa adhikaing palawigin pa ang kaalaman ng mga BPATs na makakatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Santiago City.