Awareness Campaign, isinagawa sa Sariaya, Quezon
Naging matagumpay ang isinagawang Awareness Campaign para sa mga Barangay Officials at Barangay Tanod na ginanap sa Barangay Sto. Cristo nito lamang Huwebes , ika-29 ng Mayo 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PLt Alvin H Mercadal, Chief, OPN/PCR sa pamumuno ni PLtCol Carlo C Caceres, Acting Chief ng Sariaya Municipal Police Station kasama ang mga Barangay Officials at Barangay Tanod ng nasabing barangay.
Nagbigay kaalaman ang kapulisan ng Lipa City CPS patungkol sa Anti-Rape (Project L.U.K.A.S.), Violence Against Women and their Children o R.A. 9262, EO-70 NTF-ELCAC at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) at ang masamang epekto nito.
Layunin ng aktibidad na mapalawig ang kaalaman ng bawat mamamayan patungkol sa nasabing batas, pahalagahan ang kanilang trabaho at pamilya upang hindi maging biktima at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.
Source: Sariaya Qppo Pcad