Bloodletting Activity, isinagawa sa Davao del Sur

Isinagawa ang bloodletting activity noong Mayo 30, 2025 sa Brgy. San Agustin, Digos City, Davao del Sur, na pinangunahan ng City Health Office bilang bahagi ng kanilang programa para sa pagpapabuti ng kalusugan ng komunidad.

Sa aktibidad na ito, nagpakita ng matinding suporta at pakikiisa ang mga kapulisan mula sa Regional Police Community Affairs and Development Unit 11 (RPCADU 11) at Davao Sur Police Provincial Office (DSPPO).

Sa ilalim ng temang “Donate Blood and Save Lives,” ipinamalas ng mga kapulisan ang kanilang tunay na malasakit at dedikasyon hindi lamang sa kanilang tungkulin bilang mga tagapangalaga ng kapayapaan kundi pati na rin sa kalusugan at kapakanan ng kanilang mga kababayan.

Ang ganitong uri ng pagtutulungan sa pagitan ng iba’t ibang sektor—kapulisan, lokal na pamahalaan, mga health workers, at mga volunteers—ay nagpapakita ng pagkakaisa ng buong komunidad para sa isang mas malusog at mas ligtas na kinabukasan.

Bukod sa pag-aambag ng dugo, nagbibigay rin ito ng mensahe na ang bawat isa ay may mahalagang bahagi sa pagbuo ng isang maayos na lipunan kung saan ang buhay ng bawat indibidwal ay pinapahalagahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *