BPATs, nakiisa sa isinagawang pulong-pulong ng Solana MPS

Aktibong nakiisa sa isinagawang Pangkalahatang Pulong-pulong ng Solana, Police Station ang mga miyembro ng Barangay Peace Action Team (BPAT), opisyal ng Barangay at mga mamamayan ng Basi West Solana, Cagayan noong ika- 7 ng Hunyo, 2025 na naganap sa Basi West, Solana, Cagayan.
Pinangunahan ni Patrolwoman Carla E Urbi ng Solana Police Station, Cagayan Police Provincial Office, ang naturang aktibidad na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga barangay opisyal at BPATs sa tamang pagpapatupad ng seguridad sa kanilang nasasakupan.
Sa nasabing aktibidad, tinalakay ang pinakamahusay na kasanayan sa pag-iwas ng krimen, Anti-Illegal Drugs Campaign, Municipal Ordinances at iba pang usapin na may kinalaman sa Pagpapanatili ng kapayapaan sa kanilang nasasakupan.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng agarang pag-aksyon at epektibong koordinasyon sa pagitan ng barangay at kapulisan sa pagtugon sa mga insidente.
Samantala layunin ng PNP na patuloy na magbigay ng kaalaman sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad upang mapalakas ang ugnayan ng pulisya at komunidad, mapaigting ang seguridad, at mapanatili ang kapayapaan sa ating lipunan tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Solana MPS