Opisyales ng Barangay, nakiisa sa BADAC Meeting sa Marinduque
Aktibong nakiisa ang mga opisyales ng Barangay sa buwanang pagpupulong ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa Barangay Payanas, Torrijos, Marinduque noong ika-2 ng Hunyo 2025.
Pinangunahan ito ng mga tauhan mula sa Torrijos Municipal Police Station sa pangunguna ni PCpl Marlo M Regis, Imbestigador kasama si Hon. Ricardo R Fernandez, barangay Captain.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong pagtibayin ang ugnayan ng barangay at kapulisan sa pagsusulong ng kaayusan at kaligtasan sa komunidad.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga pangunahing isyu na kinakaharap ng barangay kabilang ang kampanya laban sa iligal na droga, kasalukuyang estado ng krimen at mga hakbang upang ito’y maiwasan, at mga mungkahi patungkol sa kapayapaan at seguridad sa lugar.
Source: Torrijos Municipal Police Station