Tree Planting at Clean-up Drive, isinagawa sa Bukidnon

Isinagawa ang Tree Planting at Clean-up Drive bilang paggunita ng Philippine Arbor Day sa Mambuaya Creek, Brgy San Vicente, Baungon, Bukidnon nito lamang ika-25 Hunyo 2025.
Pinangunahan ng Brgy Council, Sangguniang Kabataan, at mga volunteers, katuwang ang Barangay Tanods, Barangay Health Workers, at mga kawani ng barangay.
Ang layunin ng programa ay hindi lamang magtanim ng mga punong kahoy, kundi linisin din ang paligid upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa komunidad.
“Padayon ta sa pagpanalipod sa kinaiyahan!” ito ang mensahe ng pagkakaisa mula sa mga taga-San Vicente, isang paalala na ang simpleng hakbang gaya ng pagtatanim ay may malaking ambag para sa kinabukasan.


