Clean-Up Drive at Search and Destroy Operation Kontra Dengue, isinagawa sa Ozamiz City

Matagumpay na isinagawa ang malawakang clean-up drive at search and destroy operation kontra dengue nito lamang ika-30 ng Hunyo 2025 sa Barangay Kinuman Norte, Ozamiz City.
Pinangunahan ito ng mga Barangay Officials kasama ang mga Barangay Staff at Volunteers bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya para sa kalinisan at kalusugan ng komunidad.
Layunin ng aktibidad na linisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok, gaya ng mga baradong kanal, bakanteng lote, at mga lalagyang naiipunan ng tubig.
Bahagi rin ng programa ang pagsira sa mga pinamumugaran ng Aedes aegypti, ang lamok na nagdadala ng dengue virus.
Patuloy na nagsasagawa ang barangay ng mga kaparehong programa upang labanan ang mga sakit at mapalakas ang disiplina sa kalinisan sa bawat tahanan.