Force Multiplier, nakilahok sa isang Barangay Enhancement Seminar sa Sorsogon
Masigasig na nakilahok ang mga kasapi ng Anti-Crime Devotees kasama ang mga Barangay Tanod at mga Barangay Official sa isinagawang Online Barangay Enhancement Seminar sa Barangay Tablac, Matnog, Sorsogon nito lamang June 26, 2025.
Ang naturang online seminar ay may layuning paigtingin ang kakayahan at kahandaan ng mga Barangay Tanod, Opisyal, kabilang na ang mga Anti-Crime Devotees kung saan ang ibang mga kalahok ay nakabase pa sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sabayang idinaos ang aktibidad sa pamamagitan ng online at sa pisikal na lugar sa Barangay Tablac, Matnog, Sorsogon, na nagsilbing pangunahing host ng programa.

Kabilang sa mga tinalakay na paksa ang Warrantless Arrests, Role of First Responders, Blotter Entry, at Arresting Techniques.
Layon ng mga paksang ito na bigyan ng sapat na kaalaman at tamang kasanayan ang mga kalahok upang mas mapabuti ang kanilang pagtugon sa iba’t ibang insidente, habang sumusunod sa legal at etikal na pamantayan.
Ayon sa mga tagapagsalita ng seminar, mahalagang magkaroon ng patuloy na pagsasanay ang mga barangay frontliners upang matiyak ang propesyonalismo, kaligtasan, at epektibong serbisyo sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Source: Matnog Mps Sorsogon Ppo
Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos