RPSB Bagacay, masigasig na tumulong sa pagkabit ng School Signboard sa Bagacay Elementary School

0
viber_image_2025-07-03_12-04-09-829

Masigasig na tumulong ang mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB) Bagacay, sa pangunguna ni PEMS Howard H. Oraye at sa ilalim ng na pamumuno ni PLtCol Jonathan S. Alayan, Force Commander, sa pagkakabit ng bagong signboard ng Bagacay Elementary School noong ika-29 ng Hunyo 2025.

Ang naturang inisyatibo ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay, mga guro, magulang, at iba pang miyembro ng komunidad.

Layunin nitong mas mapadali pa ang pagkilala at lokalisasyon ng paaralan, lalo na para sa mga bisita, bagong mag-aaral, at mga magulang. Isa rin itong simbolo ng organisasyon, pagkakaisa, at malasakit para sa kapakanan ng kabataan at ng edukasyon.

Ang proyektong ito ay bahagi ng programang Mabuting Gawa ng RPSB, na naglalayong magsulong ng kapayapaan, kaayusan, at pag-unlad sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga konkretong aksyon at makabuluhang inisyatiba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *