Bawal Bastos Law, tinalakay
Tinalakay ang Bawal Bastas Law ng mga tauhan ng San Isidro Municipal Police Station para sa mga magulang at kabataan ng Barangay Sawata, San Isidro, Davao del Norte nito lamang Hulyo 8, 2025.
Ang Republic Act 11313 o mas kilala bilang “Bawal Bastos Law”, na naglalayong supilin ang lahat ng uri ng gender-based sexual harassment sa pampubliko at pribadong lugar.
Ipinaliwanag din ang Republic Act 9208 o “Anti-Trafficking in Persons Act”, na tumutugon sa mga kaso ng human trafficking, lalo na sa mga kababaihan at menor-de-edad.
Sa tulong ng mga ipinamigay na leaflets, mas pinadali para sa mga mamamayan ang pag-unawa sa mga nasabing batas.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng adbokasiya ng San Isidro Municipal Police na palakasin ang kaalaman at partisipasyon ng komunidad sa pagtataguyod ng karapatang pantao at pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran para sa lahat.