Motorcade at Statistic Display of Assets and Equipment, isinagawa sa Española, Palawan

0
viber_image_2025-07-09_14-16-22-557

Alinsunod sa National Disaster Resilience Month (NDRM) 2025, nagsagawa ng NDRM motorcade and Static Display of Assets and Equipment bilang parte ng ‘commitment to disaster preparedness and community resilience of Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC)’ ng Sofronio Española, Palawan nito lamang Hulyo 7, 2025

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Sofronio Espanola, katuwang ang 1st Palawan PMFC sa pagpapanatili nga katahimikan sa naturang aktibidad, at nagsagawa din ng lecture sa mga dumalo.

Ang naturang aktibidad ay may temang “KUMIKILOS: Kayang Umaksyon ng Mamamayan na Isabuhay ang Kahandaan ng Bawat Isa para Maging Ligtas sa Oras ng Sakuna” para sa Kahandaan, Kaligtasan, at Katatagan.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong palakasin ang pangako ng PNP sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko at pagprotekta sa komunidad, lalo na sa panahon ng krisis, kalamidad, at insurhensya.

Source: 1st Palawan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *