Orientation on Barangay Drugfree Workplace, dinaluhan ng Barangay Officials at BPATs

0
viber_image_2025-07-09_14-44-26-421

Dinaluhan ng mga Baragay Officials at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ang isinagawang Orientation on Barangay Drug Free Workplace ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos nito lamang Lunes, Hulyo 7, 2025 sa Don Leopoldo Sison Convention Center, Alaminos City, Pangasinan.

Katuwang dito ang Department of the Interior and Local Government (DILG)-Alaminos, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan, Alaminos City Police Station, at Liga ng mga Barangay-Alaminos City, Pangasinan Chapter.

Nakibahagi rin sa naturang gawain ang ibang miyembro ng Barangay Drug Free Workplace Committee.

Tampok naman sa programa ang pagtalakay nina PLtCol Bernabe F Ramos, COP ng Alaminos CPS, at Almira P Abracia-Gonzales ng Pangasinan PDEA,
sa mga epekto ng ilegal na droga, mga legal na pamamaraan para makamtan ang isang drug free workplace, at Flow Chart for Drug Test.

Layunin ng nasabing aktibiday na isulong ang maayos, produktibo at ligtas na barangay at mapanatiling Drug-Cleared City ang Lungsod.

Source: Alaminos City LGU

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *