PNP at ibang ahensya, aktibong nakiisa sa Tree Planting Activity sa Tigbauan, Iloilo

0
viber_image_2025-07-10_16-33-34-381

Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad, aktibong nakiisa ang mga personnel ng 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company (1st IPMFC) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Arnel M Solis, Force Commander, sa isinagawang Tree Planting Activity sa Sitio Tabuc-Danao, Barangay Bitas, Tigbauan, Iloilo, nito lamang ika-8 ng Hulyo 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Barangay Officials ng Brgy. Bitas kasama ang kanilang mga green volunteers at nilahukan ng iba’t ibang ahensya kabilang ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Tigbauan, Marine Environmental Protection Enforcement Response Unit (MEPERU), at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Tigbauan.

Layon ng aktibidad na ito ang pagtatanim ng mga punong kahoy bilang hakbang sa pagsugpo ng epekto ng climate change at sa pagpapalakas ng kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

Ang presensya ng kapulisan sa ganitong mga inisyatibo ay patunay ng kanilang malawak na papel hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan kundi maging sa pagtugon sa mga isyung pangkalikasan.

Ang kanilang pakikiisa kasama ang ibang ahensya ay nagpapakita ng malasakit at aktibong partisipasyon sa mga gawaing makabuluhan para sa komunidad at kapaligiran.

Ang pagtatanim ng puno ay hindi lamang simbolo ng buhay kundi isang konkretong hakbang sa pagkamit ng mas malinis, mas berde, at mas ligtas na kinabukasan.

Ang Philippine National Police, katuwang ng Philippine Coast Guard at iba pang ahensya, ay patuloy na sumusuporta sa mga aktibidad na nagbibigay halaga sa kalikasan. Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, mas lumalalim ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan sa iisang layunin, ang pangalagaan at mahalin ang ating inang kalikasan para sa kapakanan ng lahat.

Source: 1st Iloilo PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *