BPATs at Force Multipliers, nakilahok sa Proper Handcuffing Techniques Seminar
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams at Force Multipliers sa isinagawang Proper Handcuffing Techniques Seminar sa Barangay Tinejero, Pulilan Bulacan nito lamang Biyernes ika-11 ng Hulyo 2025.
Ang aktibidad ay inisyatibo ni Police Lieutenant Colonel Eisbon L Llamasares, Acting Chief of Police ng Pulilan Municipal Police Station.
Nagbahagi ng kaalaman ang Pulilan PNP patungkol sa Proper Handcuffing Techniques, upang magamit ito sa sinumpaang tungkulin.
Layunin ng naturang aktibidad na madagdagan ang pangkalahatang kakayahan ng ating mga Barangay BPATs at Force Multipliers sa pagbibigay seguridad at serbisyo sa lipunan upang kanilang magampanan ng maayos ang kanilang tungkulin tungo sa Bagong Pilipinas.

