KKDAT Lecture, isinagawa sa Kidapawan City

Isinagawa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Lecture na ginanap sa Barangay Luvimin, Kidapawan City nito lamang ika-13 ng Hulyo 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng Kidapawan Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) katuwang ang Kidapawan City Police Station.

Humingi’t kumulang 100 na kabataaan ang dumalo sa nasabing aktibidad.

Layunin ng aktibidad na hubugin ang kabataan bilang responsableng mamamayan at magbigay-kaalaman ang kabataan ukol sa masasamang epekto ng iligal na droga at terorismo sa kanilang sarili, pamilya, at komunidad. Upang maging katuwang ang ating kabataan sa pagpapanatili ng isang ligtas at mapayapang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *