Food Distribution Activity, isinagawa sa Bocaue, Bulacan

0
received_1669917553714347

Nagsagawa ng food distribution activity ang Pamahalaang Lokal ng Bocaue at Bocaue PNP bilang agarang tugon sa epekto ng Bagyong Crising sa Evacuation Center ng Barangay Biñang, Bocaue, Bulacan nito lamang Miyerkules ika-23 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ang aktibidad ni Hon. Eduardo J. Villanueva, Jr., Mayor at Hon.Discoro R. Juan, Jr. Vice Mayor, katuwang ang Bocaue Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Virgilio D Ramirez, Acting Chief of Police.

Layunin ng aktibidad na maibsan ang dinaranas na hirap ng mga apektadong mamamayan at mapanatili ang kanilang moral sa gitna ng sakuna.

Isa itong malinaw na pagpapakita ng pagtutulungan at malasakit ng lokal na pamahalaan at PNP para sa kapakanan ng komunidad.

Tiniyak ng Bocaue PNP ang kanilang patuloy na pakikiisa sa mga serbisyong panlipunan at relief efforts ng lokal na pamahalaan bilang bahagi ng kanilang tungkulin na maglingkod at magprotekta sa mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *