Preventing and Countering Violent Extremism Activity, isinagawa
Matagumpay na naisagawa ang Preventing and Countering Violent Extremism Activity sa Sitio Tanduh Timmang, Barangay Baluno, Bayan ng Naga, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-24 ng Hulyo 2025.
Pinangunahan ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Barnard Danie Dasugo, Provincial Director, sa pakikiisa ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD), Salaam Police Center, LGU ng Naga, Naga Municipal Police Station, Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development (MAGPTD), National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), at ng Salaam Police Advocacy Groups (SPAGs).
Naging tampok sa programa ang komprehensibong pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa PCVE upang mabigyan ng kapangyarihan ang mga bulnerableng sektor at pataasin ang kanilang kamalayan tungkol sa proactive programs ng PNP na hadlangan ang terorismo at violent extremism.
Kalakip din sa aktibidad ang pamamahagi ng Banal na Qur’an sa mga residente at sa madrasah students, at pagbigay ng yero para sa kinukumpuning Madrasato Nowrol Hidaya Al-Islamiya sa Sitio Tanduh Timmang.
Taos-pusong pinasasalamatan ni Ustadz Rashdy Abubakar, Madrasah Principal, ang mga organizer at stakeholders dahil sa kanilang tuluy-tuloy na pagsuporta sa Muslim community.
Napakahalaga ang matibay na kolaborasyon ng pulisya at komunidad sa pagtataguyod ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa lalawigan upang mas maging epektibo ang pagpapatupad ng batas at kaayusan.


