BPATs, sumailalim sa 3-Day Training and Simulation Exercises sa Sultan Kudarat

Sumailalim ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team BPATs sa 3-Day Training and Simulation Exercises sa Barangay Gymnasium, Poblacion, Ninoy Aquino, Sultan Kudarat nito lamang Agosto 29-31, 2025.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Senator Ninoy Aquino Municipal Police Station ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Arnel P Legada, Hepe ng nasabing istasyon, katuwang ang lokal na pamahalaan at BFP.
Mahigit 20 na mga barangays ang aktibong nakiisa sa nasabing training.
Tinuturuan at sinasanay ang mga BPATs sa iba’t ibang aspeto ng peacekeeping at community safety, gaya ng Basic Law Enforement, Disaster Preparedness at Response, Crime Prevention Tips at Emergency Drills at Exercises.
Layunin nito na palakasin ang kakayahan ng mga miyembro ng BPATs upang maging epektibong katuwang ng PNP at barangay sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng komunidad.

