Mental Health Awareness Lecture, nilahukan ng mga Kabataan ng Pio Cruzcosa, Calumpit, Bulacan

Aktibong dinaluhan ng mga kabataan at opisyal ng barangay ang isang Mental Health Awareness Lecture na isinagawa sa Covered Court ng Barangay Pio Cruzcosa, Calumpit, Bulacan nito lamang Sabado, ika-6 ng Setyembre 2025.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Bulacan Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Angel L. Garcillano, Provincial Director.



Nagbahagi ng kaalaman hinggil sa kahalagahan ng mental health, karaniwang hamon na kinahaharap ng kabataan, tamang coping mechanisms, at ang kahalagahan ng bukas na talakayan ukol sa kalusugang pangkaisipan.
Layon ng aktibidad na palakasin ang kamalayan ng kabataan ukol sa mental health at maisulong ang pangkalahatang kalusugan at kapakanan ng komunidad, lalo na ng kababaihan at kabataan.