Inner Wheel Club, patuloy sa 120-Araw na Feeding Program para jabanan ang malnutrisyon

0
viber_image_2025-09-13_16-48-00-670

Patuloy na isinusulong ng Inner Wheel Club of San Fernando La Union ang adbokasiya nitong tugunan ang malnutrisyon sa pamamagitan ng programang “Isang Itlog, Isang Araw: 120-Day Feeding Program”, na isinagawa sa Pagudpud Integrated School noong Setyembre 12, 2025.

Sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of San Fernando La Union at ng United Architects of the Philippines – La Union Chapter, 20 batang mag-aaral ang muling nabigyan ng masustansyang pagkain bilang bahagi ng ika-40 araw ng naturang feeding program.

Kabilang sa ipinamahaging pagkain ang itlog, burger patty na may kanin, gatas, at bitamina—lahat ay may layuning suportahan ang kalusugan at wastong paglaki ng mga bata. Ang mga benepisyaryo ay nasa edad 4 hanggang 8 taong gulang at batay sa isinagawang pagsusuri, sila ay kabilang sa mga tinuturing na malnourished.

Layunin ng programang ito na maitaas ang antas ng nutrisyon ng mga piling mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mataas na protinang pagkain tulad ng itlog, tinapay, gatas, prutas, at bitamina araw-araw sa loob ng 120 araw. Target ng programa na tulungan ang mga bata na maabot ang kanilang ideal na timbang ayon sa kanilang edad.

Ayon sa Inner Wheel Club, hindi lamang ito isang feeding program, kundi isang konkretong hakbang tungo sa mas malusog na kinabukasan para sa kabataang Pilipino.

Source: Inner Wheel Club of San Fernando La Union District 379

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *