Lecture ukol sa Rape Awareness, Curfew Hours, at Anti-Illegal Drugs, isinagawa sa Lucban, Quezon
Bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng kapulisan para sa proteksyon ng kabataan at pagpapaigting ng kaalaman ukol sa mga batas, matagumpay na isinagawa ang lecture ukol sa Rape Awareness, Curfew Hours, at Anti-Illegal Drugs sa Brgy. Aliliw, Lucban, Quezon, ngayong araw, ika-15 ng Setyembre 2025.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Pat Gerardo V. Go Jr., Assistant PCR PNCO, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Wilher A. Cabrales, ACOP. Dumalo sa aktibidad ang mga mag-aaral ng Grade 7 mula sa Paaralang Sekundaryo ng Lucban, na aktibong nakiisa sa talakayan at nagpakita ng interes sa mga paksang tinalakay.
Kabilang sa mga tinalakay sa lecture ang kahalagahan ng kaalaman tungkol sa rape awareness, tamang pag-unawa at pagsunod sa curfew hours, at ang mga panganib ng paggamit ng ilegal na droga. Inilahad din ang mga kaukulang batas na may kinalaman sa mga usaping ito upang bigyang-linaw sa mga kabataan ang mga konsepto ng karapatang pantao, responsibilidad, at kaligtasan.
Layunin ng lecture na higit pang mapalalim ang kamalayan ng kabataan sa mga batas at tamang asal, upang maiwasan ang pagiging biktima o salarin ng mga paglabag sa batas. Isa itong konkretong hakbang ng kapulisan sa pagsusulong ng ligtas, disiplinado, at responsableng pamayanan.
Source: Lucban MPS