OPLAN KKK, hatid serbisyo sa mahigit 400 residente sa San Isidro, Davao del Norte

0
550365221_1523209345778971_5372917588060989908_n

Matagumpay na isinagawa ang programang OPLAN KKK (Kaagapay, Kalinaw ug Kalambuan) noong Setyembre 16, 2025 sa Barangay Sawata, San Isidro, Davao del Norte sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang mga opisyal ng mga barangay ng Sawata, Limao, San Miguel, at Mamangan.

Bilang suporta sa programa, aktibong lumahok ang Davao del Norte Police Provincial Office sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng gupit sa mga residente at seguridad sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng kalahok at benepisyaryo.

Naghandog ang programa ng iba’t ibang libreng serbisyo tulad ng medical at dental check-up, libreng gamot, HIV screening, legal services, pamimigay ng punlang prutas, tsinelas at bag para sa mga bata, na malugod namang tinanggap ng mga residente.

Tinatayang mahigit 400 katao ang naging benepisyaryo ng naturang aktibidad, na layuning mas mapalapit ang serbisyong pampubliko sa mga komunidad.

Ayon sa mga residente, malaking tulong ang programang ito upang matugunan ang ilan sa kanilang pangunahing pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *