Information Dissemination Campaign, isinagawa sa Salcedo Vocational High School

0
viber_image_2025-09-18_08-28-43-997

Aktibong nilahukan ng mga mag-aaral ng Salcedo Vocational High School ang isinagawang information dissemination campaign sa Brgy. Naparaan, Salcedo, Eastern Samar nitong Miyerkules, ika-17 ng Setyembre 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Salcedo Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Julio M Quilbio, Officer-In-Charge kasama ang mga guro at mag-aaral ng nasabing aktibidad.

Tinalakay sa pagpupulong ang tungkol sa Drug awareness campaign, R.A 10627 “Anti-Bullying Act of 2013” at KAUGUP Crime Prevention tips.

Ang aktibidad ay naglalayong turuan ang mga mag-aaral at ang komunidad tungkol sa mga panganib ng iligal na droga, ang masasamang epekto ng pambu-bully, at mga karaniwang krimen na nagbabanta sa kaligtasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *