Feeding Program para sa mga nasalanta ng bagyo, isinakatuparan sa Placer, Masbate
Nanguna sa isinagawang feeding program at pamamahagi ng relief goods ang mga tauhan ng Placer Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Michael S. Albania, Officer-In-Charge nito lamang Setyembre 27, 2025.
Ang aktibidad ay isinagawa sa Sitio Libo, Barangay Daraga, Placer, Masbate, katuwang ang Placer Advocates for Youth in Action Group (PAYAG).

Layon ng programa na makapaghatid ng agarang tulong sa mga residenteng naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong “Opong.”
Bukod sa mga pagkain at relief goods, dala rin ng aktibidad ang mensahe ng malasakit at pagkalinga sa mga mamamayan sa oras ng sakuna.

Ang naturang inisyatibo ay patunay ng pagtutulungan ng kapulisan at ng iba’t ibang civic organizations para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng komunidad sa gitna ng mga sakuna.
Source: Placer Mps Masbate PPO