Dialogue on Children’s Rights at Fun Day, isinagawa para sa mga Day Care Students sa Tanza, Cavite

0
viber_image_2025-10-01_16-16-14-768

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Family Week, isinagawa ang isang makabuluhang aktibidad na pinamagatang “Dialogue on Children’s Rights at Fun Day” nito lamang Lunes, ika-29 ng Setyembre 2025 sa Covered Court ng Brgy. Sahud-Ulan, Tanza, Cavite.

Pinangunahan ito ng Police Community Affairs and Development Section (PCADS) sa pamumuno ni PCMS Annaliza P. Flores, CPCAS, sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni PLtCol Joven T. Bahil, Officer-In-Charge, katuwang sa nasabing gawain ang mga guro mula sa Postema Day Care Center, mga magulang, at iba pang miyembro ng komunidad.

Tinalakay sa dayalogo ang mga pangunahing karapatan ng mga bata, tulad ng karapatang mabuhay, makapag-aral, mahalin, at maprotektahan laban sa anumang uri ng karahasan at pang-aabuso. Ang mga talakayan ay isinagawa sa paraang simple at naaangkop sa murang isipan ng mga day care students.

Kasunod ng talakayan ay isinagawa ang masaya at makukulay na palaro, sayawan, at kainan bilang bahagi ng Fun Day na nagbigay ng kasiyahan sa mga bata. Layon nitong hindi lamang maghatid ng kaalaman kundi maging daan upang maramdaman ng mga bata na sila ay mahalaga at may kakampi sa kanilang paglaki.

Ang aktibidad na ito ay patunay ng pagpapatuloy ng mga inisyatibo para sa community engagement, at pagpapatatag ng ugnayan sa pagitan ng kapulisan, mga guro, magulang, at kabataan sa barangay.

Source: Tanza Pnp

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *