SALAAM Police Advocacy Group (SPAG), nakiisa sa Relief Operation sa Bogo City

0
viber_image_2025-10-07_14-44-20-969

Matapos ang mapaminsalang lindol na may lakas na 6.9 magnitude na tumama sa Bogo City at mga karatig na lugar sa Hilagang Cebu noong gabi ng Setyembre 30, 2025, agad na nakiisa ang SALAAM Police Advocacy Group (SPAG) sa relief operation na pinanguhanan ng Cebu City Police Office (CCPO) sa ilalim ng pamumuno ni PCOL ENRICO EVANGELISTA FIGUEROA, Acting City Director.

Katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga non-government organizations, isinagawa ang tuloy-tuloy na pamamahagi ng tulong sa mga apektadong lugar, partikular sa mga Muslim communities.

Ang nasabing humanitarian initiative ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan kay Dir. Jeannat Alih Cortez, Executive Director ng Office on Muslim Affairs, Indigenous and Cultural Communities (OMAICC) at President ng KHIDMAT Incorporated.

Tiniyak ng Cebu City Police Office na magpapatuloy ang mga relief operation sa mga darating na araw at linggo upang masiguro ang pantay na pamamahagi ng tulong, paggalang sa kultura, at mas matibay na ugnayan sa pagitan ng komunidad at pamahalaan.

Sa kabila ng lindol na yumanig sa Hilagang Cebu, ipinakita ng CCPO at ng kanilang mga katuwang na ahensya ang matatag na diwa ng pagkakaisa, malasakit, at tunay na paglilingkod sa sambayanan—patunay na ang pananampalataya at pagkakaisa ng tao ay higit na mas matibay kaysa anumang sakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *