School Visitation, isinakatuparan sa Virac, Catanduanes

0
viber_image_2025-10-07_14-53-44-998

Nitong ika-6 ng Oktubre 2025, nagsagawa ng School Visitation ang mga kapulisan ng Virac Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ KENNETH DING C GUTIERREZ, Chief of Police, sa Danicop Elementary School.

Bahagi ng naturang aktibidad ang isinagawang maikling talakayan ni PMSg Antonino Aquino, MCAD PNCO, na nakatuon sa mga mahahalagang isyu gaya ng pag-iwas sa bullying, tamang pag-uugali, at pagpapahalaga sa mabuting pakikipagkapwa. Layunin ng pagtuturo na gabayan ang mga mag-aaral upang maging mas responsableng kabataan na may respeto sa kapwa at disiplina sa sarili.

Binigyang-diin din sa naturang lecture ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ligtas at positibong kapaligiran sa paaralan. Pinaalalahanan ang mga estudyante na ang bawat isa ay may karapatang maging ligtas, masaya, at pantay-pantay sa loob ng paaralan, at tungkulin ng lahat na labanan ang anumang uri ng pambu-bully.

Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, patuloy na isinusulong ng Virac MPS ang adbokasiya nito na mapalapit sa kabataan at magsilbing katuwang ng paaralan at komunidad sa pagbibigay ng kaalaman at paggabay tungo sa isang matiwasay, mapayapa, at maunlad na kinabukasan.

Source: Virac Mps Catppo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *