BPATs, nakiisa sa Crime Awareness Lecture
Akitbong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa isinagawang Crime Awareness Lecture na ginanap sa Brgy. Casul, Sapang Dalaga, Misamis Occidental nito lamang ika-9 ng Oktubre 2025.
Sa naturang pagtuturo ay natutunan ng BPATs ang mga pangunahing hakbangin kung makaka-encounter ng isang krimen.
Tinuruan din kung paano ang tamang pag-aresto at binigyang diin din ang Awareness sa Anti-Terrorism, R.A 9165, at R.A 9262.
Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong ng 1002nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Batallion.
Ang mga miyembro ng BPATs ay katuwang ng kapulisan sa pagpapaigting ng seguridad, kaayusan at kaligtasan ng nasasakupang komunidad.
