Pakikipagdayalogo para sa kapayapaan at kaligtasan, isinagawa sa Tanza, Cavite

0
viber_image_2025-10-21_14-37-01-368

Isang makabuluhang dayalogo ang isinagawa ng Tanza Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Amaya VII, Tanza, Cavite nito lamang Lunes, ika-20 ng Oktubre 2025, bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa pagsusulong ng kapayapaan, pampublikong kaligtasan, at kamalayan ng mamamayan.

Pinangunahan ni PLtCol Joven T. Bahil, Officer-in-Charge ng Tanza MPS, ang nasabing aktibidad na dinaluhan ng mga miyembro ng transport groups mula sa iba’t ibang barangay.

Sa dayalogo, tinalakay ang mga isyung may kaugnayan sa trapiko, kaligtasan ng mga pasahero, at mga hakbang upang maiwasan ang mga insidente sa lansangan. Hinikayat din ang mga dumalo na maging katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang komunidad.

Layunin ng pagtitipon na palakasin ang ugnayan ng kapulisan at mga tsuper sa pagbibigay ng ligtas at maayos na serbisyo sa publiko upang mapanatili ang matatag na kapayapaan at seguridad sa kanilang komunidad.

Source: Tanza Pnp

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *