VAWC Monitoring Visit, isinakatuparan ng mga awtoridad sa Cabatuan, Iloilo
Sa patuloy na adhikain ng pamahalaan na mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng kababaihan at mga bata, isinagawa nito lamang ika-22 ng Oktubre, 2025 ang isang Courtesy Call at Monitoring Visit kaugnay ng Women and Child Protection Program sa Cabatuan, Iloilo.
Pinangunahan ito ng VAWC Team ng Western Visayas Medical Center sa pangunguna ni Dr. Maria Teresa Dy, FPOGS, katuwang ang Provincial Health Office–LCAT VAWC, Iloilo Provincial Police Office (IPPO), at mga kinatawan ng LGU Cabatuan.
Layunin ng aktibidad na ito na masiguro ang maayos na pagpapatupad ng mga programa at mapalakas ang ugnayan ng bawat ahensyang nagsusulong ng proteksyon, kalinga, at hustisya para sa kababaihan at mga bata.

Kabilang sa mga nakibahagi sa nasabing gawain ang mga kinatawan ng LGU Cabatuan, partikular si Dr. Lonerie Apelo-Regondon mula sa Primary Care Facility, Ms. Loida Enriquez mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at si PSMS Mary Grace Madayag ng Cabatuan Municipal Police Station, na aktibong lumahok sa courtesy call at mga talakayang nakatuon sa pagpapaigting ng serbisyo para sa mga biktima ng pang-aabuso.
Ang naturang inisyatiba ay patunay ng matibay na kooperasyon at pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod sa karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng kababaihan at mga bata.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng Health Sector, PNP, lokal na pamahalaan, at social welfare offices, higit na napagtitibay ang adbokasiya para sa isang komunidad na ligtas, mapagkalinga, at pantay para sa lahat.
Source: Cabatuan MPS FB Page