Criminology students ng ICCT Colleges, hinubog sa diwa ng nasyonalismo at malasakit sa bayan
Noong ika-24 ng Oktubre 2025, isinagawa sa ICCT Colleges ang “Symposium on Nation Building for Character Formation: Nationalism and Patriotism” na layuning palakasin ang kamalayan ng kabataan hinggil sa kahalagahan ng nasyonalismo, disiplina, at malasakit sa kapwa.
Bilang panauhing tagapagsalita, ibinahagi ni Police Colonel Feloteo A. Gonzalgo, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang kanyang mga karanasan at pananaw ukol sa pagiging responsableng mamamayan at epektibong tagapagtaguyod ng kapayapaan.

Binigyang-diin niya ang pangangailangan ng katapatan, integridad, at malasakit sa bayan bilang pundasyon ng tunay na paglilingkod at mabuting pamumuno. Hinikayat din niya ang mga kabataan na gamitin ang kanilang kaalaman at kakayahan para sa ikauunlad ng bansa.
Ang symposium ay naglalayong hubugin ang kabataan bilang makabayang lider ng kinabukasan, at patatagin ang ugnayan ng akademya at komunidad tungo sa isang mas maunlad at mapayapang sambayanan.
Source: Rizal PPO