DILG Kalinisan Day Program, tulong-tulong na isinakatuparan sa Batan, Aklan
Nagtulong-tulong ang mga awtoridad kasama ang komunidad sa pagsasakatuparan ng Regional Showcase Barangay for the Kalinisan Day Program ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ginanap sa Brgy. Angas, Batan, Aklan nito lamang March 19, 2026.
Ang naturang programa ay pinangunahan ng Regional at Provincial DILG, kasama ang Batan Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), MDRRMO, maging ng mga kinatawan ng DepEd.

Nakiisa rin sa programa ang mga tauhan ng 4th MP, 1st Aklan PMFC sa pamumuno ni PLT RHOL O GRANTOS, Platoon Leader, sa ilalim ng superbisyon ni PMAJ KLARENZ L SIA, Officer In-Charge kasama ang mga residente ng nasabing barangay.
Layunin ng programa na i-promote ang environmental awareness, proper waste management, at community participation sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng mga komunidad.

Dahil dito, mas natutukan hindi lamang ng mga residente kundi kasama ang iba’t ibang mga awtoridad ang pagkakaroon ng mas matibay at produktibong mga community-based programs na makakatulong sa pagkamit ng kaligtasan ng publiko, kalusugab at maging sa pag-iwas ng mga sakuna.